Sinira ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 10 ang 232 nakumpiskang cellphone sa Northern Mindanao bilang bahagi ng kampanya laban sa mga kontrabando sa loob ng mga piitan.
Kabilang sa mga winasak ang 157 smartphone at 75 keypad phone na nakumpiska sa iba’t ibang jail facility sa rehiyon mula 2024 hanggang sa kasalukuyan.
Karamihan sa mga ito ay narekober sa Cagayan de Oro City Jail Male Dormitory. Ayon sa BJMP-10, banta sa seguridad at maayos na pamamahala ng mga piitan ang mga hindi awtorisadong cellphone.
Via: Laura Pobadora
📷 BJMP-10


