Arestado ang isang 60-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa San Jose, Tarlac, matapos umanong magbenta ng pinaghihinalaang ilegal na droga sa isang pulis na poseur buyer.
Matapos iabot ng suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman umano ng ilegal na droga, agad siyang inaresto ng pulisya.
Dinala ang suspek sa lock-up cell ng San Jose Municipal Police Station para sa dokumentasyon at paghahanda sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.
Isusumite naman sa Crime Laboratory sa Camp Macabulos, Tarlac City ang mga nakuhang ebidensya para sa pagsusuri.
Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek.
Via: Ismael Mateo



