Dinala ng isang lalaki sa pulisya ang isang granadang natagpuan niya habang naglilinis ng kanilang bahay sa Zamboanga City sa pangambang magdulot ito ng aksidente sa kaniyang pamilya.
Laking gulat niya nang malaman na naiwan pala sa kanilang bahay ang granadang itinago ng kaniyang ama noong nabubuhay pa ito.
Pinasalamatan naman ng pulisya ang lalaki sa maagap na pagsuko ng granada sa mga awtoridad.
Via: Ely Dumaboc


