May nakabinbing petisyon para sa dagdag-singil sa toll sa halos lahat ng expressway sa bansa, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB). Ayon sa TRB, patuloy na sinusuri ng ahensya ang mga petisyong inihain ng mga expressway operator bago maglabas ng desisyon.
Ito ay kasunod ng pagpapatupad nitong Miyerkules ng ikalawang tranche ng toll hike sa CAVITEX R-1 Expressway Extension, na sumasaklaw sa rutang Zapote sa Las Piñas hanggang Kawit, Cavite.
Tiniyak ng TRB na isasaalang-alang ang kapakanan ng mga motorista sa pagrepaso sa mga panukalang dagdag-singil.



