Itinaas ng PHIVOLCS sa Alert Level 3 ang babala sa Bulkang Mayon matapos ang pagputok nito bandang alas-11:53 ng umaga ngayong Biyernes, Oktubre 30.
Nagbuga ang bulkan ng makapal na abo na umabot sa 3,000 metro ang taas. Dahil dito, inaasahan ang ashfall sa Daraga, Guinobatan at mga kalapit na bayan sa Albay.
Dahil sa pagtaas ng alert level, pinapayuhan ang mga residente sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) na lumikas dahil sa panganib ng pagdaloy ng lava, pagguho ng mga bato at pagbuga ng mainit na abo at bato mula sa bulkan.



