Susuriin ng Commission on Higher Education (CHED) ang transaksiyon nito sa supplier na Amianan PH matapos ireklamo ng huli ang umano'y hindi pa nababayarang ASEAN souvenir items sa loob ng siyam na buwan.
Ayon sa supplier, wala silang natanggap na down payment at nahihirapan silang maningil dahil ipinapasa lamang sa iba't ibang opisyal ang kanilang mga follow-up.
Sa pahayag noong Biyernes, Oktubre 30, sinabi ng CHED na mangangalap ito ng impormasyon mula sa CHED Regional Office IV upang suriin ang reklamo at matugunan ang anumang problemang matutukoy. Gayunman, hindi pa tinukoy ng ahensya ang halaga ng transaksiyon o kung kailan mababayaran ang supplier.


