Nagpaalala ang Philippine Airlines (PAL) sa mga pasaherong bibiyahe o lilipat ng flight sa United States tungkol sa bagong requirement ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na epektibo mula Nobyembre 3 hanggang Disyembre 18, 2026.
Kailangang magsumite ang bawat pasahero ng form na nagpapatunay na hindi sila nagtungo o dumaan sa Democratic Republic of the Congo sa loob ng 21 days bago ang kanilang biyahe.
Saklaw ang requirement na ito anuman ang nasyonalidad ng pasahero. Hindi papayagang makasakay ang mga pasaherong hindi magsusumite ng kinakailangang form.


