Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon sa Albay nitong Sabado ng umaga, isang araw matapos ang pagputok nito. Namataan ang ash emission bandang 5:17 AM at umabot sa 200 metro ang taas ng abo mula sa bunganga ng bulkan, ayon sa PHIVOLCS.
Nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ).
Nagpatupad ng sapilitang paglikas ang Tabaco City para sa mga residenteng nasa mga apektadong lugar.


