Iniimbestigahan ng Pasay City government ang apat na indibidwal na nagpapanggap na empleyado ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) at naniningil para sa mga hindi awtorisadong transaksiyon.
Nagsimula ang imbestigasyon matapos magreklamo ang isang business establishment na umano'y nabiktima ng panloloko. Ayon sa BPLO chief, nakipag-ugnayan na ang tanggapan sa City Legal at Human Resources Offices kaugnay ng insidente.
Pinaalalahanan ang mga business owner na beripikahin ang pagkakakilanlan ng mga BPLO representative at huwag magbigay ng bayad nang walang opisyal na resibo.



