Nakatakdang bumalik ng bansa ang 14 Pilipinong tripulante na sakay ng M/V Contship Jet na inatake ng mga drone noong Oktubre 28.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), kabilang ang mga ito sa 18 na nasagip nang atakihin ang barko habang naglalayag papuntang Constanta, Romania.
Ligtas silang naihatid sa Bulgaria kung saan inaasikaso ang kanilang pag-uwi sa Pilipinas.
📷: DMW



