Sumalpok ang isang utility van sa concrete barrier sa bahagi ng Ortigas Ave. Extension sa Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal kaninang madaling araw, Nobyembre 2.
Ayon sa Taytay LGU, lango sa alak ang driver na nagtamo ng bukol sa ulo. Agad isinugod sa ospital ang biktima.
Hindi naman nakaapekto ang insidente sa daloy ng trapiko sa naturang lugar.
| via Jim Tejano


