Asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley ngayong Lunes, Nobyembre 2, dahil sa amihan, ayon sa PAGASA.
Samantala, posibleng makaranas ng maaliwalas na panahon na may paminsan-minsang pag-ulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa dulot ng localized thunderstorms.



