Nasungkit ng Pilipinong undefeated boxer na si Carl Jammes Martin ang pinakamalaking panalo sa kanyang karera sa ngayon matapos talunin si David Picasso ng Mexico.
Nagtuos ang dalawa sa Riyadh, Saudi Arabia bilang bahagi ng "Mexico vs. The World" boxing card sa ilalim ng Riyadh Season.
Nagwagi si Martin sa pamamagitan ng split decision upang agawin ang WBC Silver featherweight title mula kay Picasso.
Umakyat si Martin sa mas mabigat na featherweight division upang harapin ang elite at subok na kalaban na tulad ni Picasso.
Ang tagumpay na ito ay hindi lang nagbigay kay Martin ng prestihiyosong title belt kundi nagbigay rin ng mensahe sa mundo ng boxing na handa na siya sa mga mas malalaking laban para sa world title.
Sa kaniyang post-match interview, pinasalamatan ni Martin ang fans. Bumati rin siya sa kaarawan ng Tagapamahalang Pangakalahatan ng Iglesia Ni Cristo na si Ka Eduardo V. Manalo.

