Umabot sa record-high na ₱19.66 trilyon ang utang ng Pilipinas nitong Setyembre, mas mataas ng 0.27% kumpara noong Agosto at 12.63% kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ayon sa Bureau of the Treasury, dulot ito ng karagdagang pangungutang ng pamahalaan at paghina ng piso kontra dolyar. Mula Enero, halos ₱2 trilyon na ang idinagdag sa kabuuang utang ng bansa.
Nasa ₱13.25 trilyon ang domestic debt o utang mula sa mga lokal na nagpapautang, habang ₱6.41 trilyon naman ang foreign debt o utang mula sa ibang bansa. Parehong nadagdagan ang dalawang uri ng utang dahil mas malaki ang bagong hiniram ng pamahalaan kaysa sa binayaran nito.
Inaasahan ng administrasyong Marcos na aabot sa ₱19.77 trilyon ang utang ng bansa pagsapit ng katapusan ng 2026.



