Arestado ang isang 50-anyos na lalaki na kabilang sa provincial-level Most Wanted Person matapos ang isinagawang warrant operation ng pulisya nitong Linggo ng hapon, Nobyembre 1, sa Barangay San Juan, Panukulan, Quezon.
Ayon sa Panukulan Municipal Police Station, suspek umano ang lalaki sa panghahalay sa kaniyang 12-anyos na pamangkin sa bahay ng biktima noong Enero 10, 2026.
Kasalukuyan siyang nakapiit sa Panukulan MPS at nahaharap sa kasong rape by sexual assault.
📸: Panukulan MPS
| via Martin Banaag



