Nakapagtala ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ng 1,499,454 foot traffic mula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 1.
Pinakamaraming pasahero ang naitala noong Oktubre 26, na umabot sa 197,288.
Samantala, 260 ipinagbabawal na kagamitan ang nakumpiska ng PITX security personnel mula Oktubre 25 hanggang 29. Kabilang dito ang 89 na kutsilyo, 51 na lighter, 46 na butane gas at 35 na cutter.
| via Jim Tejano



