Kinilala bilang National Cultural Treasure ang Maligcong Rice Terraces sa Bontoc, Mountain Province dahil sa mayamang kasaysayan at kulturang kinakatawan nito. Pormal na ipinagkaloob ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang heritage marker sa lokal na pamahalaan noong Oktubre 19 sa Metropolitan Theater sa Maynila.
Layunin ng deklarasyon na mapangalagaan ang tradisyonal na pagsasaka, katutubong kaalaman at pamana ng mga Igorot na ilang siglo nang nagpapanatili sa mga hagdan-hagdang palayan.
Patuloy din itong nagsisilbing kabuhayan ng mga residente at dinarayo ng mga turista.


