Arestado ang 13 operator at facilitator ng illegal online betting sa isinagawang anti-POGO operation ng PNP at PAOCC sa Iligan City nitong nakaraang linggo. Nasamsam sa operasyon ang gaming at broadcasting equipment na nagkakahalaga ng ₱12 milyon.
Kabilang sa mga naaresto ang dalawang manager at 11 online dealer ng kumpanyang nagpapanggap umanong information technology service provider. Narekober din ang mga computer, camera, tablet, card scanner at iba pang gaming equipment. Nananatili namang at-large ang registered owner ng kumpanya.
Nasa kustodiya na ang mga suspek sa Iligan City Police Office para sa kaukulang legal na hakbang.
📸: PAOCC | via Jim Tejano


