Dalawang magkahiwalay na aksidente ang nangyari sa Gilbert Bridge, Laoag City, Ilocos Norte noong Oktubre 31, bandang 6:25 a.m.
Ayon sa dashcam video na ibinahagi ng isang motorista, unang nawalan ng kontrol ang isang motorcycle rider at sumalpok sa railings ng tulay.
Makalipas ang ilang sandali, nagbanggaan naman ang isang tricycle at motorsiklo matapos maabala umano ang mga ito sa unang aksidente.
📹: Haydee Fernandez Baliwag

