Nasawi ang isang 76-anyos na lalaki matapos tagain sa lalamunan ng sarili umano nitong kapatid sa Barangay Buenavista, San Fernando, Camarines Sur.
Naganap ang insidente bandang 6:30 ng gabi nitong Lunes, Nobyembre 2. Isinuko ng barangay chairman at mga tanod ang suspek sa pulisya.
Tinitingnang motibo sa krimen ang matagal nang alitan sa lupa ng magkapatid.
📸: San Fernando PNP | via Michael Gravito



