Nag-isyu ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at driver ng sasakyang sangkot sa iresponsableng pagmamaneho sa Hacienda Superclub, Angeles City, Pampanga nitong Linggo, Nobyembre 1, kung saan isang indibidwal ang nabangga at ilang iba pa ang nalagay sa panganib.
Pinagpapaliwanag ang mga sangkot kaugnay ng reklamong reckless driving at improper person to operate a motor vehicle at inatasang humarap sa LTO sa Biyernes, Nobyembre 6.
Naka-alarm status na rin ang sasakyan, habang iniutos ang pagsuko ng lisensya ng driver na sasailalim sa 90-araw na preventive suspension.
📹: Maynard Cinco


