Inaresto ng mga awtoridad sa Parañaque ang isang Chinese fugitive na wanted sa Beijing dahil sa umano’y telecommunications fraud na nagkakahalaga ng $706,000.
Kinilala ang suspek na si Chen Yongzhou, 39, na hinihinalang kabilang sa grupong gumagamit ng WeChat upang manloko ng mga biktima.
Ayon sa ulat, gumagamit umano ang grupo ng voice phishing upang hikayatin ang mga biktima na magpadala ng ginto sa mga itinakdang recharge point at mamuhunan sa pekeng platform na sinasabing konektado sa Shanghai Gold Exchange.
📸: BI



