Nagbabala ang PHIVOLCS na maaaring itaas sa Alert Level 4 ang babala sa Bulkang Mayon dahil sa patuloy na aktibidad nito.
Sa nakalipas na magdamag, naitala ang 13 volcanic earthquakes, isang rockfall signal, at minor strombolian activity sa bulkan. Nagbuga rin ito ng sulfur dioxide na umabot sa 1,751 tonelada.
Gayunman, nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon sa kabila ng mga naitalang aktibidad.
📸: PHIVOLCS



