Nasawi ang dalawang katao matapos tupukin ng apoy ang isang residential area sa kanto ng Ermin Garcia at New York Street, Brgy. E. Rodriguez, Quezon City bandang 5 p.m. nitong Lunes, Nobyembre 2.
Umabot sa 120 bahay ang natupok at nasa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Itinaas sa ikaapat na alarma ang sunog bago tuluyang maapula bandang 8 p.m.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nahirapan ang mga responder na marekober ang dalawang bangkay dahil gumuho ang apat na palapag na bahay at masikip ang lugar.
📹: Henry Ilao | via Jim Tejano


