Ibinandera ng Commission on Audit (COA) ang 11,391 proyekto ng DPWH na nagkakahalaga ng ₱459.262 bilyon na iginawad sa mga kwestiyonableng kontratista dahil sa hindi kumpletong deklarasyon ng kanilang mga kasalukuyang kontrata.
Natukoy rin na 198 kontratista ang nakakuha ng karagdagang proyekto kahit kwestiyonable ang kanilang financial capacity para maisagawa ang mga ito.
Paliwanag naman ng DPWH, sinuri ang kapasidad ng mga bidder sa post-qualification stage at nakikipag-ugnayan na ito sa mga tanggapang sangkot upang tugunan ang mga obserbasyon ng COA.
📸: DPWH



