Pinagmulta ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Move It PH ng ₱555.7 milyon dahil sa pagtanggap ng mas maraming motorcycle rider kaysa sa pinapayagang bilang.
Ayon sa LTFRB, umabot sa 73,321 ang aktibong rider ng Move It PH noong Mayo sa Metro Manila, Cebu at Cagayan de Oro. Mas mataas ito sa 17,746 na rider na pinapayagan ng ahensya.
Nagbabala ang ahensya na kung hindi mababayaran ang multa, maaaring suspendihin ang naturang ride-hailing app at bawiin ang accreditation nito.
📸: Move It PH


