Pormal nang ibinasura ng prosekusyon ang kasong bribery sa ilalim ng Article III ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay House prosecutor Atty. Jonathan Keith Flores.
Ayon kay Flores, nagsumite sila ng manifestation at hindi na umano ito nangangailangan ng pag-apruba ng impeachment court.
Giit niya, sapat na ang kanilang naiharap na ebidensya sa tatlong artikulo at hindi na kailangang pahabain pa ang proseso.


