Muling nag-file ng medical leave si Senador Loren Legarda.
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, wala pa ring abiso ang senadora kung makadadalo siya sa mga natitirang session ng Senado sa Oktubre at Nobyembre.
Naka-medical leave na si Legarda mula Agosto 3 at kasalukuyang nagpapagamot sa ibang bansa para sa kondisyon sa baga at sakit sa immune system, ayon sa kaniyang spokesperson na si Atty. Tony La Viña.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang senadora at ang kaniyang anak na si Rep. Leandro Leviste sa reklamong plunder at graft kaugnay ng kanilang solar energy project.



