Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang SAFE Act na naglalayong magpatupad ng proteksiyon sa mga batang gumagamit ng social media at iba pang digital platform.
Sa ilalim ng panukala, pagbabawalang gumawa ng account sa social media at mga saklaw na digital platform ang mga batang wala pang 13 taong gulang.
Samantala, magpapatupad ng safeguards para sa mga edad 13 hanggang 17 taong gulang laban sa harmful content at mga feature na kahalintulad ng pagsusugal.


