Umabot sa pinakamataas na antas ngayong taon ang polusyon sa hangin sa Singapore dahil sa makapal na usok at haze mula sa mga wildfire sa Indonesia, ayon sa ulat.
Naitala sa kanlurang bahagi ng Singapore ang PM2.5 level na 284 micrograms kada cubic meter, na pasok sa kategoryang “very high” ng National Environment Agency.
Samantala, sinuspinde ng East Timor ang in-person classes sa loob ng tatlong araw simula Oktubre 15 dahil sa polusyon mula sa mga sunog sa mga karatig na lugar.
Patuloy namang naglulunsad ng mga hakbang ang Indonesia upang apulahin ang mga sunog, na pinalala ng tuyong panahon na kaugnay ng El Niño.
📹: RT News

