Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga na kinilala sa mga alyas na "Nor" at "Rey", sa buy-bust operation sa Dumingag, Zamboanga del Sur.
Nakumpiska sa operasyon ang mga sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, motorsiklo, at dalawang bala ng 12-gauge shotgun.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nasa kustodiya na sila ng pulisya habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso. | via Eric Bachiller


