Nagpapatuloy ngayong Huwebes, Oktubre 15, ang bail hearing ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division.
Sumalang na sa witness stand si Rodante Orbillo, isa sa 18 ex-Marines na nagpakilalang dati umanong security aide ng dating kongresista na si dating Rep. Zaldy Co.
Si Orbillo na ang ikalimang “bagman” ni Co na tetestigo para sa kaso ni Romualdez.
| via Tjay Mendoza


