Natagpuan ang bangkay ng isang 33-anyos na babae na nakasilid sa sako malapit sa pinagtatrabahuhan niyang manukan sa Talisay City, Negros Occidental, matapos itong mawala nang limang araw.
Ayon sa pulisya, dalawang katrabaho ng biktima, edad 34 at 44, ang nagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng bangkay. Gayunman, naghinala ang mga awtoridad sa kanilang mga pahayag at itinuring silang persons of interest.
Sa isinagawang imbestigasyon, umamin umano ang dalawa na pinatay at pinagsamantalahan nila ang biktima. Batay sa ulat, tumanggi umanong magpautang ng ₱1,000 ang biktima sa mga suspek kaya nila ito pinatay noong Oktubre 8.
Inamin din umano ng dalawang suspek na gumagamit sila ng ilegal na droga. Inihahanda na ang kasong murder laban sa kanila, ngunit tumanggi silang magbigay ng pahayag sa media.
📸: Talisay CPS



