Natagpuang patay ng mga kaanak ang 60-anyos na lalaki matapos mahulog sa isang 40-foot-deep na hukay sa Barangay Calaylayan, Abucay, Bataan.
Posible umanong nadulas ang biktima habang nagpuputol ng sanga ng kakawate, ilang metro lamang ang layo mula sa hukay.
Ayon sa kapatid ng biktima, nagawa pang makatawag at makapag-chat ng biktima, subalit hindi sila agad na-contact dahil sa kawalan ng signal sa lugar.
Ang naturang hukay umano ay iniwang nakatiwangwang matapos ang pagmimina sa lugar. Bago ang insidente, may mga alagang kambing at baka na rin umanong nahulog sa nasabing lugar.
Nagtulong-tulong naman ang mga awtoridad sa pag-ahon sa katawan ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente. | via Larry Biscocho


