Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na mag-ipon ng tubig-ulan bilang paghahanda sa posibleng epekto ng super El Niño.
Tiniyak ng Pangulo na magbibigay ang pamahalaan ng mga filter at gabay sa tamang paglilinis at pagsala ng tubig upang matiyak na ligtas itong gamitin at inumin.
“Bumili na kayo ng balde para ’pag umulan, makolekta na ninyo lahat [ng tubig],” ayon kay Marcos.
