Iginiit ni Vice President Sara Duterte na sunod-sunod ang mga ibinibintang sa kaniya, kabilang ang korapsyon, ilegal na droga, at pagtanggap umano ng pera mula sa China.
Ayon kay VP Sara, ginagawa umano ng administrasyon ang lahat para pabagsakin siya.
“Napansin ko lang, lahat na lang ng ilegal ay ipinapahid nila sa akin. Confidential funds, corruption, drugs... ngayon meron silang China funds. Meron pang ill-gotten wealth. Lahat na lang.
“Nag-impeachment na sila, walang ebidensiyang lumabas. Gusto na nilang tapusin yung impeachment prosecution nila dahil bumabagsak na yung kaso. Nag-iiba na yung kuwento,” ayon kay Duterte.
