Nasawi ang isang lalaki matapos siyang atakihin ng tigre sa Yorkshire Wildlife Park sa Doncaster, England, noong Sabado, Oktubre 11.
Ayon sa pulisya, pumasok ang lalaki sa kulungan ng tigre bago siya inatake. Hindi naman nasugatan ang hayop at walang ibang nadamay sa insidente.
Sinabi ng wildlife park na hindi papatayin o ie-euthanize ang tigre dahil sa nangyari. Nagpaabot din sila ng pakikiramay sa pamilya ng nasawi.
📹: RT News
