Binatikos ni Vice President Sara Duterte ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa umano’y kawalan ng sapat na aksyon laban sa korapsyon, kriminalidad, at iba pang problema sa bansa.
Binanggit ng Bise Presidente ang mga kwestiyonableng insertion sa pambansang budget na iniuugnay sa mga kaalyado ng Pangulo, gayundin ang patuloy na paglaganap ng ilegal na droga.
Iginiit din niya na walang malinaw na prayoridad ang administrasyon sa paglutas sa mga naturang suliranin.
“Bigo si Bongbong Marcos na mapabuti ang buhay ng mga Pilipino, na mapalakas ang ekonomiya ng bansa, na patibayin ang ating mga institusyon, na tunay na mapagsilbihan ang mga mamamayan at maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa karahasan.”
“Desperado si Bongbong Marcos na pagtakpan ang korapsyon sa bansa,” ayon kay Duterte.

