Nagkaroon ng matinding pagbaha sa Istanbul, Turkey matapos ang malakas na buhos ng ulan, na iniulat bilang pinakamalaking flash flood sa lungsod mula noong 1985.
Makikita sa video na lubog sa baha ang mga pangunahing kalsada, underpass, istasyon, kabahayan at mga establisimyento, habang umabot sa 90% ang traffic congestion sa lungsod.
May mga sasakyang naipit at inanod ng rumaragasang tubig. Sa distrito ng Sarıyer, umakyat pa sa bubong ng isang bus ang ilang pasahero upang makaiwas sa mabilis na pagtaas ng tubig.
Nag-deploy ang mga awtoridad ng humigit-kumulang 8,000 emergency personnel at 2,000 makinarya para sa drainage at paglilinis.
Pinayuhan din ang mga residenteng nakatira sa ground-floor at basement na pansamantalang lumikas sa mas matataas na lugar.
📹: RT News

