Binatikos ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang mga mapanlait na komento tungkol sa mga differently abled sa isang episode ng podcast na "Machong Chismisan".
Ayon sa NCDA, hindi katanggap-tanggap ang paggawa ng content na ginagawang katatawanan ang mga PWD, partikular ang mga nasa autism spectrum, dahil nakadaragdag ito sa diskriminasyon at maling pagtingin sa kanila.
Nanawagan ang konseho sa publiko na pairalin ang paggalang, pagiging sensitibo, at responsableng paggamit ng digital platforms.
Binigyang-diin din ng NCDA ang karapatan ng mga PWD sa respeto at dignidad alinsunod sa Republic Act No. 7277 o Magna Carta for Persons with Disabilities.


