Na-dismantle ng PDEA at PNP ang isang hinihinalang drug den sa isinagawang joint buy-bust operation sa Surigao City.
Arestado ang tatlong suspek na kinilalang sina alyas "Genaro", 45, na umano’y nagpapatakbo ng drug den; alyas "Faith", 40, na umano’y empleyado nito; at alyas "Gilbert", 56, na umano’y customer.
Nasamsam sa operasyon ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱239,000, mga pera, at iba pang kagamitan.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang kaso laban sa mga suspek dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
📷: PDEA


