Nasawi ang isang motorcycle rider habang tatlo naman ang sugatan sa banggaan ng isang Toyota Fortuner, Isuzu Traviz, at motorsiklo sa Barangay Luyong Bobon, Opol, Misamis Oriental.
Dead on the spot ang driver ng motorsiklo matapos araruhin ng Toyota Fortuner at mahagip din ng kasalubong na Isuzu Traviz.
Hindi pa pinapangalanan ang nasawi habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang buong pangyayari at kung sino ang dapat managot sa aksidente. | via Egypt Fuentes



