Kinuwestiyon ni Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito ang ₱206 bilyong realignment na ginawa ng House of Representatives sa panukalang ₱7.2 trilyong national budget para sa 2027.
Binawasan ng ₱130 bilyon ang pondo para sa foreign-assisted projects (FAP), kabilang ang mga proyektong may kaugnayan sa Japan International Cooperation Agency (JICA) at Asian Development Bank (ADB). Tinapyasan din ng ₱9.5 bilyon ang calamity fund sa kabila ng banta ng Super El Niño.
Pinuna rin ng senador ang ₱4.5 bilyong ibinawas sa pondo para sa hospital maintenance at ang ₱4 bilyong inilaan para sa mga programa ng pagbabakuna.
Samantala, nadagdagan naman ng ₱23.9 bilyon ang pondo para sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP).
Sinabi ni Ejercito na susuriin ng Senado ang mga pagbabago sa pondo at tututukan ang mga hindi pa tapos na flood control projects.


