Isinailalim sa state of calamity ang 109 lugar at bayan sa bansa dahil sa El Niño, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Kabilang dito ang 66 na lugar sa Cagayan Valley, 23 sa CARAGA, 12 sa Bicol Region, apat sa CALABARZON, dalawa sa Cordillera Administrative Region (CAR), at tig-isa sa Eastern Visayas at SOCCSKSARGEN.
Iniulat din ng ahensya na 451,889 katao ang naapektuhan ng El Niño, habang umabot sa ₱6.53 bilyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura.


