Inaresto ng mga awtoridad ang walong Chinese national at sampung Pilipino sa isinagawang operasyon laban sa ilegal na pagmimina sa Barangay Mabini, Surigao City.
Nasamsam sa operasyon ang mahigit 153 mabibigat na kagamitan at mining paraphernalia na nagkakahalaga umano ng mahigit ₱153 milyon. Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek. | via Richard Dela Cruz


