Duguan at wala nang buhay nang madiskubre ang 57-anyos na tindero sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite.
Tadtad ng saksak sa mukha at ulo ang biktima.
Ayon sa pulisya, posibleng motibo sa krimen ang alitan sa pera at madalas na pagtatalo ng mag-asawa.
Aminado ang 62-anyos na asawa sa nangyari, habang itinanggi naman ng mga anak ang pagkakasangkot nila sa krimen.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at nahaharap sa kasong parricide. | via Jim Tejano

