Nababahala si Vice President Sara Duterte sa naging imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos maglabas ang ahensya ng mga larawan at video ng mga umano’y ari-ariang iniuugnay sa kaniya.
Ayon kay VP Sara, tila nasasayang ang pondo ng ahensya dahil nagagamit ito sa paninira sa ibang opisyal ng pamahalaan o sa mga pampulitikang hakbang.

