Inaprubahan ng Senate impeachment court ang kahilingan ng prosekusyon na hindi na ituloy ang tatlo sa apat na Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Kabilang dito ang maling paggamit ng confidential funds, bribery, at umano’y grave threat sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Dahil dito, alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman na lamang ang matitira sa impeachment trial.
Samantala, tinawag ng kampo ni VP Sara na hindi patas ang desisyon ng impeachment court dahil nakapaghain na ang prosekusyon ng mga ebidensiya at naipresenta na ang 14 na testigo.
Ayon kay Atty. Sheila Sison, may mga katangian ito ng mistrial dahil umano sa hindi patas na pagdinig sa magkabilang panig.


