Naghatid ng care packages at saya ang Iglesia Ni Cristo, FYM Foundation, at Autism Society Philippines para sa mga may Autism Spectrum Disorder at sa kanilang pamilya. Nakiisa sa programa sina Gladys Reyes at Atty. Rowena Guanzon, habang taos-puso namang nagpasalamat ang ASP sa patuloy na paglingap ng INC sa mga Pilipino at sa iba't ibang panig ng mundo.


