Arestado ang 76 na dayuhan sa pagsalakay sa isang pinaghihinalaang POGO hub sa Cubao, Quezon City, noong Oktubre 12.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), kabilang sa mga nahuli ang 74 na Chinese national at dalawang Myanmar national. Nakumpiska sa operasyon ang ilang computer at iba pang kagamitan na umano’y ginagamit sa online scamming.
Kasalukuyang sumasailalim sa proseso ang mga naaresto para sa posibleng deportation at paglalagay sa blacklist upang hindi na makabalik sa Pilipinas.
📷: BI


